UNANG ARAW 22/06/09

Unang Araw 22/06/09

Nagising ako. ring ring ring ring nag wawala ang alarm clock ng cellphone ko. ring ring ring. pag kamulat ng aking mga mata dumating agad si kaba. kinakabahan sa unang araw ko ano ba naman ito. pakiramdam n excited ngunit ayaw.. dumating ang tamang oras kailangan na mag handa.. nasabi nalang sa isip ko handa na ako handa na ako handa na ako kahit may kaunting kaba.. naligo ng may kaba nag bihis ng may kaba at nag ayos ng may kaba..dumating nanaman ang oras.. ang oras tlga ang bilis.. kelangan n lumisan sa aming tahanan.. nag lakad.. nag lakad.. habang lumalayo sa tirahan lalong lumalakas ang pagkakaba.. ang lakas KABA KABA KABA sabi ng dibdib ko.. lumayo ng lumayo hangang sa hindi na matanaw ang pinanggalingan isang liko lang naman pala.. sumakay sa sasakyan.. ayaw ko mahanginan masisira ang pag aayos ko sa buhok ko n inabot ng 5 minuto.. pero ganun talaga wala n ako magagawa.. palapit ng palapit sa paroroonan.. hangang sa dumating na nga ang ika walo ng umaga.. simula na ng aking malupit na kalbaryo.. parang sumugod sa isang islang puro taong gubat ang kasama walang kakilala walang makausap.. mabuti nalang at naimbento n ang cellphone nag karoon ng kaunting kaligayahan sa pakikipag komunikasyon.. ito ito na.. sa ayaw at sa gusto mag sisimula na.. wala akong nagawa kung hindi ang sumunod nalang iniisip na ito ang tadahana.. pumasok sa hindi kilalang o pamilyar na lugar.. maraming mga matang nakamasid habang nag lalakad sa mahabang hallway nag hahanap ng matataguan..ayun.. nakita ko narin ang pakay kong taguan.. nag simula na ang unang kalbaryo.. pumasok ang isang dalaga.. kinausap lahat ng aking kasama pero ako nakatunganga lang wala ginagawa nakatingin sa paligid parang nag karoon ng amnesia.. nag pakilala sila.. ayaw ko man gawin sa madaming tao ngunit wala akong nagawa majority kelangan kong gawin.. nag pakilala ako may nasabi ata ako di kanaisnais nag si tawanan sila.. ok tawa na rin ako.. nag salita ng nag salita ang babae.. ako naman nakatahimik lang at walang imik.. natapos mag salita ang babae.. ngunit ang aking pananahimik ay hindi parin nag wawakas.. umalis ang babae nag sisunuran ang mga tao sa nasabing lugar.. pati tuloy ako na nag mumukmok ay napalabas na din.. tinignan ang pangalawang distenasyon akalain mong doon parin magaganap ang pangalawang kalbaryo.. nag sipasukan ang mga bagong taong gubat.. ngunit naiba ang ihip ng hangi may natangay na tao.. oo tao.. kakilala ko.. sa wakas medyo napawi ang kaba ko.. isang lalaki naman ang pumasok.. mahilig ang lalaki sa numero na ayaw ko.. nag salita ang lalaki ako nakatahimik may mga panahon na nakikipag usap sa nasabing tao oo tao upang malibang sa pangalawang kalbaryo.. natapos ang lalaki mag salita.. kagaya ng nauna ganun din ang nangyari sa pangalawa.. lumabas ang lalaki na parang pinuno sumunod ang mga taong gubat na parang mga alipin.. pati ako naki-join na sa pag labas na parang buntot ng lumabas na lalaki.. tinignan ang tinuturing mapa.. ayun nakita ang pangatlong distenasyon.. pangatlong kalbaryo.. iniisip na ito na ang huli.. pag pasok sa loob ng pangatlog pinto ng parusa.. naramdaman ko agad ang lamig na bumalot sa aking balat wooooow.. grabe.. ang akala ko nanlalamig lang ako sa kaba o nerbyos.. nanginginig ang buong katawan ko pati kalamnan tagos hanggang buto.. ang lakas ng aircon parang nasa alaska.. para akong nasa impyernong nag yeyelo.. mejo nahuli ako ng bahagya.. bahagya lang naman.. umupo sa isang upuan.. may mga bagong taong gubat nanaman.. ayun may naligaw ulit n tao.. oo tao ulit na kakilala ko.. umupo siya malapit sa kinauupuan ko.. nakilala nya agad ako nakilala ko din naman agad sya.. napawi nanaman ng bahagya ang pag kabagot ko.. maraming isinulat ang babae akalain mo ang babaeng mahilig mag sulat eh ung babae sa unang kalbaryo ang lupet.. isinulat ko lahat ng isinulat niya baka kakailanganin ko ang isinulat niya.. pinahawak kami ng tinatawag naming kumpyuter ewan ko sa mga taong gubat kung alam iyon.. nag turo ang babaeng mahilig mag sulat.. natapos nanaman ang pangatlong kalbaryo.. sa wakas panahon na upang punan ang aking kumakalam na sikmura.. nag hanap ng makakainan.. pag katapos kumain tumingin ulit ako sa aking mapa ng kasarimlan.. mayroon pang huling pag subok.. ngunit matagal ang pa ang oras upang sagupain ang huling pag subok.. makakapag isip pa ako at makakapag liwaliw ng sandali bago harapin ang huling pagsubok sa araw na ito.. nag lakad lakad nag muni muni.. ayy naiinip na ako.. gusto ko ng sagupain ang huli at maka uwi na sa aking pinang galingan.. ang tagal parang mas matinding pagsubok ang mag hintay sa susunod na pag subok.. sakto dumating na ang tamang oras na siyang kinatuwa ko.. nag antay sa labas ng pang apat na distinasyon.. pumasok ang nakararami naki-join nanaman ako.. ganun parin ang nangyari sa mga sumunod na eksena.. madami ang bagong mukha bagong taong gubat, taong kweba, at kung ano anu pa.. umupo sa sulok.. nakatahimik nanaman na parang umurong ang dila.. pumasok na ang lalaki na mahalig mag salita madaldal siya.. pero magaling siya mag salita.. nag dadaldal lang siya.. hindi pala siya talaga ang taga hukom sa pagsubok kong iyon.. subtitute lang siya.. dahil sa lumiban ang opisyal na taga hukom.. tinawag nya ang mga taong gubat, kweba at kung anu anu pa.. pinag salita nya ito.. dinadalangin na hindi ako matawag ako’y tahimik at nahihiyang mag salita kaharap ang mga taong gubata, kweba at kung anu anu pa.. whew salamat nainip ang lalaking madaldal.. wala na siguro siyang masabi nag paalam na siya.. dininig ang dasal ko habang akoy nakatahimik.. hindi nga natawag ang pangalan ko.. dumating narin ang masayang oras na aking hinihintay ang makauwi sa aking pinag mulan.. mag papahinga at mag hahanda para sa susunod na mga araw ng pag subok sa akin.. IYAN UNANG ARAW KO SA KOLEHIYO

Leave a Reply